Opereytor natangayan ng P80K ng kanyang drayber

TINATAYANG aabot sa P80,000 ang halagang natangay sa isang opereytor matapos itong pagnakawan ng kanyang drayber sa Sta. Cruz, Maynila, Martes ng gabi.

Personal na dumulog sa Manila Police District-Station 3 ang biktimang si Jone Salvana, 40, residente ng 1549 Oroquieta St. Sta. Cruz, Maynila.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang hinihinalang suspek na si Dante De Guia, 32, stay-in-driver ng biktima.

Ayon sa biktima, sabay na naglahong parang bula ang nabanggit na halaga at ang kanyang drayber.

Sasampahan ng kasong qualified theft ang suspek sa oras na maaresto ito ng pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply