Opisyal, empleyado na saklaw ng Bank Secrecy Law baklasin

NAIS ni Senador Panfilo Lacson na alisin sa listahan ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na saklaw sa ipainaiiral na Bank Secrecy Law.

Ito ay makaraang ihain muli ni Lacson ang panukalang batas na naglalayong gawing exempted ang mga opisyal at kawani ng gobyerno sa bank secrecy law, tulad ng mga halal na opisyal at mga ini-appoint sa pwesto ng pangulo.

Ayon kay Lacson, kapag naging ganap na batas na ang kanyang panukala, mas magiging mabilis ang mga law enforcer at mga taga- usig ng gobyerno na habulin ang mga gumagawa ng katiwalian sa gobyerno.

Ani Lacson, ang Senate Bill no. 2767 ay naglalayong amiyendahan ang pinaiiral na bank secrecy law o Republic act 1405 , upang maitadhana na exempted sa pagpapatupad ng batas ang presidente ng bansa, ang mga senador at kongresista, mga miyembro ng gabinete,  miyembro ng hudikatura at mga undersecretary ng mga ahensiya ng gobyerno.

Partikular na mga tinutukoy na ahensya na sasaklawin nito ay ang mga opisyal ng BIR, BOC Commissioners, mga taga-Armed Forces of the Philippines at PNP.

Iginiit pa ni Lacson na intensyon ng Bank Secrecy Law na protektahan ang karapatan ng bawat indibidual at upang mahikayat din ang pagdeposito sa banko.

Subalit, anang senador na nagagamit din itong naturang batas ng mga taong gobyerno na nagkukubli ng nakaw na yaman sa bayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply