Opisyal kakompitensiya ni Rizal sa pambababae

SIYAM na lahi ni Eba ang namungay at namuti ang mga mata sa Pinoy Henyo na si Jose Rizal.

Sina Segunda Katigbak, Leonor Valenzuela, Leonor Rivera, Consuelo Ortiga, O-Sei-San, Gertrude Beckette, Nelly Bousted, Suzanne Jacoby at Josephine Bracken.

Isa sa mga ito ang iniuulat na naanakan ng dakilang mangingibig.

Ngunit premature ang baby at pumanaw nang hindi nakilala ang sikat at makasaysayan niyang mga magulang.

Dahil sa galing ni Rizal na magpaibig ng mga naggagandahang tsikas at dahil iniidolo niya si Rizal sa katalinuhan nito, may mataas na opisyal na nanggagaya sa kanya.

Sa joke time nina mataas na opisyal at dalawang itlog na kanyang KK, walang laman ang bibig ng mga ito kundi ang mga babaeng dumaan sa kanilang mga daliri at palad.

Sa ulat ng matang kuwago ng Remate, ipinagyayabang ng ka-stooges ni mataas na opisyal kung gaano na karami ang nag-water-water sa kanya.

Maliit daw ang Pajero ng mga obispo kung itaklob dito ang dami ng partes ni Eba na dumaan na sa kanya.

Ipinayayabang naman ng isa ang paggusto sa kanya na parang gatas ng kalabaw ng mga gurang, este, matrona.

Kung ang matandang kalabaw ay naghahanap ng sariwang damo, sariwang gatas ang turing sa kanyan ng mga matrona.

Tahimik lang si mataas na oisyal.

Pero kung nakainom at nalasing na, talo pa nito ang ingay ng 10,000 watts na videoke sa pagkukuwento ng kanyang mga escapade sa babae.

May artista, may broadkaster, may pulitiko at may galing sa exclusive schools na nagseserbisyo sa mga manyak sa sports clubs na pang-milyonaryo.

At kung lashing na nga, sinashabi nihtohng kulang na ang mga daliri niya sha mga kamay at paa sha pagbibilang ng mga babaheng dumaan na sha kanyang mga daliri, palad at nguso.

Nakapagtataka nga lang na habang tumatanda na si mataas na opisyal at habang patigil-tigil na sa pagsamyo ng kakaibang halimuyak ang kanyang ka-stooges, ayaw nitong pumirmi sa tahimik at makarinig ng ingay ng mga naghaharutang mga apo.

Mas gusto pa niyang manood sa mga matso na nagdya-jogging at sumisigaw ng malakas habang nag-eehersisyo. Hek-hek-hek!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply