Oposisyon binira ni Lacierda

PINARUNGGITAN ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang oposisyon sa kanyang ocular inspection sa Kamara para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Aquino.

Sa panayam ng mamamahayag, sinabi ni Lacierda na inililihis lamang umano ng oposisyon ang atensyon ng publiko sa mga kasong kinakaharap ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa mga katiwaliang naganap sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Tugon ito ni Lacierda sa hirit ng oposisyon na magpaliwanag si Pangulong Aquino sa sobrang campaign funds nito noong 2010 elections.

Paliwanag nito na accounted ang lahat ng pondo sa kampanya ng pangulo.

Katunayan, nakapagbayad na rin aniya sila ng limang porsiyentong buwis sa Bureau of Internal Revenue na handa nilang ipakita sa publiko.

Si Lacierda ay sinalubong ng mga opisyal ng Kamara sa pangunguna ni House Secretary General Marilyn Barua-Yap.

Nais masiguro ng Malakanyang na lahat ay nakalatag para sa July 25.

Nauna rito ay nanawagan si Zambales Rep. Mitos Magsaysay kay PNoy na magpaliwanag kaugnay sa natirang campaign funds nito noong 2010 na aniya ay umabot sa P37 milyon sa ulat na rin ng PCIJ.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply