Optical technician todas sa holdaper

PATAY ang isang 53-anyos na optical technician nang barilin matapos holdapin ng isang ‘di nakilalang suspek na sakay ng motorsiklo kaninang umaga, Hulyo 9, sa Sta. Mesa, Maynila.

Natangay sa biktima ang may P105,000 libong halaga ng gintong alahas.

Namatay habang ginagamot sa UERM hospital ang biktimang  si Agolino Itable, may-asawa at optical technician sa Quaipo, Maynila.

Mabilis namang tumakas ang suspek na inilarawang may taas na 5’2-5’3, nakasuot ng brown t-shirt, itim na bull cap, maong pants at may katamtamang pangangatawan.

Sa imbestiagsyon ni SPO2 David Tuazon, imbestigador ng Manila Police Distric-Homicide Section, dakong alas-6:30 ng umaga naganap ang insidente sa kahabaan ng Altora Ext. sa Sta. Mesa, Maynila.

Nabatid na binabagtas umano ng biktima ang lugar papasok sa kanyang trabaho sa Quaipo at sakay ito ng kanyang motorsiklong Yamaha na kulay itim at may plakang 7399 TD nang bigla na lamang siyang  harangin ng ‘di nakilalang suspek na sakay din ng ‘di na plakahang motorsiklo.

Nililimas din ang gintong kwintas na nagkakahalaga ng P35,000, bracelet na halagang P55,000 at singsing na P20,000 ang halaga.

Ayon sa pulisya, posible umanong nanlaban ang biktima kaya binaril ito ng suspek .

Naisugod pa sa nasabing pagamutan ang biktima subalit idineklarang patay dakong laas 12:08 ng tanghali .

Narekober sa pinagyarihan ng krimen ang empty shell ng baril at ang motorsiklong  service ng biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply