Orcollo, 2 Pinoy pa pasok sa Guinness World Series Pool of Round 32

NAGPATULOY ang pananalasa nina WPA World No. 1 Dennis Orcollo, defending tournament champion Jundel Mazon at Carlo Biado sa double elimination rounds ng 2011 Guinness World Series of Pool – 10Ball Challenge para makapasok sa knockout stages ng prestigious tournament organized ng ESPN STAR Sports kahapon sa Mall Taman Anggrek sa Jakarta, Indonesia.

Ang pambato ng Bugsy Promotion na si Orcollo na nakatapat si Canadian Adam Smith ay malakas na binuksan ang kanyang kampanya sa winner’s bracket matchup at hindi na nag-aksaya pa ng panahon matapos hugutin ang break and run-out tungo sa first rack. Sa sumunod na tagpo, nagawang itabla 2-2 all ng Canadian ace sa 4th racks.

Sa 6th frame nag-iba ang timpla kung saan nagtamo ng foul ang Canadian ace tungo sa 4-2 lead ni Orcollo. Nakopo ng Filipino World 8-ball champion ang dalawa pang sumunod na racks para itakas ang 6-2 win.

Sa panig naman ni Mazon ng Negros Billiards Stable, nagawa niyang bokyain 6-0 ang Indonesian rival Rico Herman para samahan ang kababayan na si Orcollo sa next round. Ang isa pang Bugsy bet na si  Biado ay nagtala naman ng come from behind victory kontra kay Germany’s Thorsten Hohmann, 6 – 5.

Ang iba pang manlalaro na matagumpay na nakapasok sa susunod na round ay si Yukio Akagariyama ng Japan na tinalo si Ari Hartanto ng Indonesia, 6 – 3,Ibrahim Bin Amir ng Malaysia na hiniya si Sahroni  ng Indonesia, 6 – 3, at Rudy Susanto ng Indonesia na umibabaw naman kay Lum Wai Keong ng Singapore, 6 – 4.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply