Orcollo umusad sa WORLD 9-ball semis

NAMAYANI si Filipino Dennis Orcollo kontra kina defending champion at countryman Francisco “Django” Bustamante, 11-6, sa round-of-16 Huwebes ng gabi at former world champion Daryl Peach ng Great Britain, 11-2, saquarter-final round Biyernes ng umaga para makausad sa semifinals ng 2011 World Pool-Billiard Association (WPA) World 9-Ball Championship sa Al Sadd Sports Club sa Doha, Qatar.

Ang magkasunod na panalo ng reigning WPA World 8-ball champion Orcollo, top player ni Perry Mariano’s Bugsy Promotions ay naghatid sa kanya sa isang all Filipino semi-final round duel kontra kay compatriot Ronato “Volcano” Alcano.

Tinalo naman ni Alcano sina Chang Yu Lun ng Chinese-Taipei, 11-9, at Toru Kuribayashi ng Japan, 11-10, ayon sa pagkakasunod.

Target ni Orcollo na makasunod sa yapak nina Alcano at hall of famer Efren “Bata” Reyes, parehong nakopo ang WPA World 9-ball at 8-ball competition.

Nakopo ni Reyes ang WPA World 9-ball crown sa Cardiff, Wales noong 1999 at dinomina naman ang WPA World 8-ball tiara noong 2004 sa Fujairah, United Arab Emirates.

Nasukbit naman ni Alcano ang WPA World 9-ball crown sa Manila noong 2006 at naghari sa WPA World 8-ball competition noong 2007 sa Fujairah.

Una rito, pinatalsik ni Orcollo ang isa pang Filipino bet Villamor Caneda, 11-6, sa round-of-32 habang angat naman si Alcano kay Raj Hundal ng Great Britain, 11-9.

Ang nagkumpleto naman sa final four ay sina Mark Gray ng Great Britain at Yukio Akakariyama ng Japan matapos manalo sa kani-kanilang katunggali.

Ungos si Gray kay fellow Briton Chris Melling, 11-10, sa round-of-32, Filipino Antonio Gabica, 11-5, saround-of-16, at last American standing Shane Van Boening, 11-9, sa round-of-8 habang binasura naman ni Akakariyama sina Croatian Carlo Dalmatin, 11-8, ang dalawang Pinoy na sina Carlo Biado, 11-9, at Vicenancio Tanio, 11-10, ayon sa pagkakasunod.

Ang $250,000 total pot prize week-long WPA sanctioned tournament ay may pabuyang $36,000 top purse.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply