Organisadong pabahay sa mahihirap isinusulong

ISINULONG ni Marikina Rep. Miro Quimbo ang isang panukalang magpapadali upang mabuwag ang sistemang nagpapahirap sa sinumang nagnanais na magkaroon ng sariling bahay, lalo na sa mga mamamayang maliit lamang ang kinikita.

“Owning a home doesn’t have to be an elusive dream. The bill’s main purpose is to make low-cost housing affordable to low-income families,” ayon kay Quimbo.

Pangunahing inihain ng kongresista ang House Bill 4584 na tumutugon umano sa kahinaan ng Social Housing Finance Corp. (SHFC) na nilikha sa pamamagitan ng Executive Order 272.

Nilalayon ng HB 4584 na buwagin ang SHFC at isulong ang paglikha sa Social Housing Development and Finance Corp. (SHDFC), na siyang mangungunang ahensya sa programang pabahay ng gobyerno.

Ayon kay Quimbo ang SHDFC na magiging subsidiary ng National Home Mortgage Finance Corp. (NHMFC) ay aatasang magpatupad ng Community Mortgage Program (CMP) at Abot-Kaya Pabahay Fund Program (AKPF) sa ilalim ng NHMFC at tatargetin nito ang mga pormal at impormal na sektor na mayroong maliit na kita lamang.

“But in seven years of existence, the weaknesses of the SHFC became more transparent mainly because EO 272 failed to clearly define the powers of the President of the Corporation, of the Board of Trustees, and of the Corporation itself which resulted to the failure to make available to the masses affordable and decent housing and the failure to provide basic services to homeless citizens in urban centers and resettlement areas,” paliwanag ni Quimbo.

Ang panukala ni Quimbo na tatawagin ding “Social Housing Development and Finance Corporation Act of 2011,” ang siyang magiging kapangyarihan ng SHFDC.

“HB4584 addresses the weaknesses of SHFC by replacing it with SHDFC, which main objective is to assist legally-organized associations of underprivileged and homeless citizens to purchase and
develop a tract of land and to own the lots they occupy or where they choose to relocate under the concept of community ownership,” anang mambabatas.

Kapag ito aniya ay naipasa, magiging organisado ang programang pabahay ng gobyerno.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply