Osmeña flyover matatapos sa Agosto

ANG kasalukuyang pagkukumpuni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Osmeña Flyover sa panulukan ng Osmeña highway at Buendia Avenue sa Makati City ay matatapos ayon sa schedule ngayong Agosto 2011.

Ang rehabilitasyon ng naturang flyover na naitayo noon pang 1970s ay bahagi ng programa ni Secretary Rogelio L. Singson na i-upgrade ang quality at safety nang mga pambasansang lansangan at tulay.

Ang proyekto na sinimulan noond Mayo 6 at may contract duration na 120 calendar days ay nasa ilalim ng kontrata ng Tokwing Construction.

Kabilang sa mga gawain sa proyekto ay ang replacement ng kasalukuyang ‘di pantay-pantay na asphalt pavement upang mapanumbalik ang maayos na riding surface, pagpapatibay sa ilang bridge girders sa pamamagitan ng aplikasyon ng fiber reinforcement polymer at injection ng structural epoxy sa bahagi na mga sirang konkreto, improvement ng parapet wall railings, median island at lighting system, at paglalagay ng mga bagong drainage facilities.

Bahagi rin ng kontrata ang pag imbestiga sa as-built condition ng tulay/flyover upang matukoy ang actual load capacity ng flyover.

Ayon sa mga DPWH engineers, ang naturang pagsasagawa ng imbestigasyon ay mangangailangan ng pag-aalis ng existing asphalt pavement sa bahagi ng istraktura upang makita ang concrete deck at maisagawa ang ilang pagsusuri.

Ito ang kadahilanan kung bakit ang construction activities sa ibabaw ng flyover ay nasuspinde. Ang imbestigasyon ay inaasahang matatapos ngayon ding linggong ito

Nabatid sa inisyal na resulta ng imbestigasyon na kailangan ang makapal na reinforced asphalt pavement sa ilang portions upang maabot ang desired curved finish ng pavement at mangangailangan ng pagpapatibay sa ilang girders.  Dahil dito, inaasahan ng DPWH na bahagyang tataas ang halaga ng proyekto bunga ng isasagawang karagdagang trabaho. Ang pagpapatibay sa mga girders ay maaaring masimulan sa darating na linggo at matapos nito ay maisasagawa naman ang pag-overlay ng bagong aspalto sa southbound side.

Mapapayagan nang gamitin ang bahaging nakumpuni sa oras na matapos overlaying ng asphalt samantalang ang gawain naman sa northbound side ay kaagad na isasagawa at inaasahang matatapos sa loob ng dalawang lingo upang ang naturang portion ay mabuksan din sa motorista sa una o ikalawang linggo ng  Agosto. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply