Ospital sa Dagupan dinagsa ng mga pasyenteng may dengue

NAPUNO ng mga pasyenteng may dengue ang Region I Medical Center sa Dagupan, Pangasinan.

Sa pedia ward, nakaratay ang umaabot sa 11 pasyenteng nakitaan ng sintomas ng dengue.

Ngayong linggo pa lamang nasa 28 na ang na-admit, habang 66 noong nakaraang buwan kung saan isa na ang naitalang namatay.

Nakaaalarma na raw ang bilang na ito kung kaya puspusan ang paalala ni Dr. Mike Canto, tagapagsalita ng naturang pagamutan na linising mabuti ang kapaligiran upang mamatay ang mga lamok na carrier ng dengue virus.

Samantala, nilinaw ng Dept. of Health (DOH) Region 1 na walang outbreak ng naturang sakit sa lalawigan ng Pangasinan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply