Overspeeding sa SLEX huhulihin na

IPATUTUPAD simula ngayon sa South Luzon Expressway (SLEX) ang polisiyang maglilimita sa bilis ng mga sasakyang dumadaan dito upang maiwasan ang mga aksidente.

Gamit ang speed gun, paiigtingin ang pagbabantay sa mga motorista na lalabag sa speed limit gaya ng ginawang paghihigpit sa Commonwealth Ave. sa Quezon City.

Ang Commonwealth Ave. ay tinaguriang “killer highway” dahil sa malaking bilang ng mga namamatay o nasusugatan sa mga aksidente rito.

Ayon sa tagapagsalita ng SLEX na si Patrick Nicholas David, ang mga lalabag sa speed limit ay pahihintuin ng kanilang mga mobile patrol, titiketan at pagmumultahin ng halagang P1,500 sa mga lalagpas ng 100 kph.

Maging ang mga motoristang mas mabagal sa 60 kph ay pagmumultahin din ng P500.

Aprubado naman ang nasabing kampanya sa mga motorista na dumadaan sa SLEX araw-araw. Anila, magiging alerto ang mga drayber at magiging ligtas ang SLEX kung mahigpit na mapipatutupad ang nasabing polisiya. Ben Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply