P.3-M ari-arian tinangay sa negosyante

NILOOBAN ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga tauhan ng pulisya ang bahay ng isang negosyante at tinangay ang P304 000 halaga ng mga mamahaling alahas at mga gamit sa Quezon City ayon sa ulat, Huwebes ng umaga.

Sa ulat ng Quezon City Police District Station 4 kay QCPD director Chief Supt. George  Regis, pinasok ng limang armadong kalalakihan ang bahay ng negosyanteng si Michelle Tamayo sa Blk. 3, Lot 6 Mt. Apo St. Creta Verde Subdivision, Barangay Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Tinangay ng mga suspek ang mga alahas na may kabuuang halaga ng P200,000; damit pambata (P35,000); Ann Klein na relo (P10,000); Gucci sunglasses (P10,000); Swarovski necklace (P10, 000); digital Camera (P5,000) at LCD monitor (P6,000).

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, ganap na alas-7:30 ng umaga nang pasukin ng mga magnanakaw ang nasabing lugar.

Diumano ay pumasok ang mga ito sa main door ng bahay na naiwang bukas matapos umalis ng biktima upang ihatid ang kanyang anak sa eskuwela.

Nagpakilala umanong mga pulis ang mga suspek na armado ng mga hindi pa mabatid na kalibre ng baril at sinasabing magsasagawa sila ng raid laban sa iligal na droga.

Tinutukan ng baril ang mga kasambahay na sina Roselyn Barrera, 23; Jovelyn Toledo, 20, Irma Sampang, 36 at ang dalawang taong gulang na anak ng biktima saka pinaakyat sa itaas ng bahay.

Pagkatapos ay sinimulan nang limasin ng mga suspek ang laman ng tatlong kwarto sa itaas na bahagi ng bahay at saka mabilis na tumakas dala ang mga nakulimbat na kagamitan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad patungkol sa nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply