P.5-M alahas, cash ng Tsino tinangay

KASAMANG naglaho ng isang kasambahay ang pera at alahas na tinatayang aabot sa P500,000 ng kanyang among Intsik sa Navotas Biyernes ng gabi.

Kasalukuyang pinaghahanap ang suspek na nakilalang si Jackie Entrada, namamasukan kasambahay ng biktimang si Steven Chua, 48, negosyante ng San Marcos St., Navotas West, ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-siyete ng gabi, umuwi ang biktima sa kanyang bahay at nabatid na wala na ang kanyang kasambahay.

Pagpasok ng biktima sa kanyang kuwarto ay laking gulat nang makitang nagkalat ang lahat ng kanyang gamit.

Agad na tinignan ng biktima ang pinaglalagyan ng kanyang pera at alahas na aabot sa nabanggit na halaga subalit walang nagaw kung hindi ang manlumo na lamang dahil wala na ang mga gamit at salapi.

Dahil dito, agad na inireport ng biktima sa pulisya ang pangyayari

Iniimbestigahan na ang naturang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply