P1.7B nilustay ng Arroyo admin sa 2010 intel funds

IBINULGAR ni Commissioner on Audit (COA) Commissioner Heidi Mendoza na umabot sa P1.7 bilyong intelligence funds ang nalustay ng administrasyon ni dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo noong 2010, panahon ng halalan.

Sa kanyang pagsagot sa katanungan ni Sen. Franklin Drilon, sinabi ni Mendoza na umabot sa mahigit P1.7 bilyon ang nilustay ng Arroyo administration sa panahon ng halalan kabilang ang ginastos ng national government at local government units.

Ibinulgar pa ni Mendoza na umabot naman sa halagang P116 milyon ang nilustay din ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pamumuno ni dating general manager Rosario Uriarte na karamihan ginagamit sa “bomb threat, kidnapping, destabilisasyon at terorismo.”

Ayon kay Mendoza, kabilang sa P1.7 bilyon ang ginastos sa intelligence funds ng  Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Customs, Bureau of Immigration, Department of Foreign Affairs, Department of Justice at iba pang ahensiya na humihingi ng intelligence funds.

Partikular na tinukoy ni Mendoza ang P951 milyon na nilustay ng national government at P748 milyon para naman sa local government units.

May hiwalay naman na $108,000 na ginamit ng Philippine Amusement and Gaming Corporation noong 2010, ayon kay Mendoza.  “Only the PAGCOR has dollar account for intelligence funds.”

“These are based on the documents submitted to the COA for liquidation but there are discrepancy of P54 million which has no documents to support. We tried our best to locate the documents, it maybe submitted baka kinuha, or they did not submitted to COA at all,” paliwanag ni Mendoza sa komite.

Samantala, kinumpirma rin ni Mendoza na umabot sa P116 milyon intelligence funds ang ginastos ni Uriarte para sugpuin ang “ bomb threat, kidnapping, destabilization at terrorism noong 2009.”

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee sa pamumuno ni Sen. Teofisto Guingona, sinabi ni Drilon na umabot sa P116, 3856,800 mula Enero 18 noong 2009 para lamang sa ibang intensyon na hiwalay na tungkulin ng PCSO.

Sinabi ni Drilon na walang ibang dahilan na nakatala sa liquidation ni Uriarte ang paggamit sa naturang intelligence kundi ang paggamit nito para sa “bomb threat, kidnapping, destabilization and terrorism.”

Ngunit, sinabi ni Mendoza na hiwalay sa P116 milyon ang halagang P17 milyon na ibinayad naman ng PCSO bilang blood money sa isang OFWs na nahaharap sa parusang kamatayan sa Kuwait.

Kinumpirma naman  ni Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos na nagbigay ang PCSO ng P17 milyon bilang pambayad ng blood money ngunit hindi dumaan ang salapi sa DFA kundi direktang ideneposito ng ahensiya sa bank account ng pamilya ng biktima sa Kuwait.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply