P1.816-trilyon 2012 budget aprubado na

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang P1.816-trilyon budget para sa taong 2012.

Ayon kay Budget Secretary Butch Abad, mas mataas ng 10.4 porsiyento ang 2012 budget kumpara sa budget ng  taong ito.

Ayon kay Abad, ang nasabing budget proposal ay nakabatay sa posisyong hindi magpapatupad ng bagong buwis sa susunod na taon.

Pinakamalaking budget pa rin ang inilaan sa Department of Education, na nasa P207.3 bilyon.

Ito ay sinusundan ng: Department of Public Works and Highways (DPWH), P110.6 bilyon; Department of  Defense (DND) 104.7 bilyon; Department of the Interior and Local Government (DILG), P88.1 bilyon; Department of Agriculture, P35.3 bilyon; Department of Social Welfare and Development (DSWD), P34.3 bilyon; Department of Transportation and Communication (DOTC), P33. 8 bilyon; Department of Health (DOH), P33.1 bilyon; Department Of Agrarian Reform (DAR), P16.7 bilyon at ang hudikatura, P14.3 bilyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply