P1-M donasyon sa Simbahan ibinalik ng pari sa Bora

IBINALIK ni Father Magloire “Adlai” Placer, kura paroko ng Boracay Parish Church, ang P1-milyon donasyon ng Korean Catholic Mission para sa konstruksyon ng simbahan at kumbento.

Ayon kay Placer, isinauli niya ang donasyon dahil sa apektado na umano siya ng mga lumalabas na malisyosong balita at binibigyan ng ibang kulay ng iba ang pagtanggap niya ng halaga.

Nauna nang lumabas ang isyung ang naturang pera ay mula sa mga taong nagbabalak na magpatayo ng casino sa isla at ang halaga ay suhol sa pari.

Napag-alamang si Placer ay nangunguna sa mga komokontra sa pagpapatayo ng casino sa Boracay dahil sisirain umano nito ang imahe ng isla na isang wholesome family destination.

Sa pakikipag-usap nito sa konseho ng kanilang simbahan at sa payo na rin ng bagong obispo ng Kalibo na si Bishop Jose Corazon Talaoc, ibinalik na lamang nila ang naturang pera upang hindi na mapulaan pa ang Simbahan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply