P1-M pondo sa rehabilitasyon ng Banahaw aprubado na

UPANG higit na mapangalagaan ang Bundok Banahaw de Lucban, inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon ang isang ordinansang maglalaan ng P1-milyon badyet taun-taon para gamitin sa rehabilitasyon at reforestation project nito.

Ang nasabing ordinansa ay inaprubahan noong Lunes, Hulyo 18, sa idinaos na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan.

Nakasaad dito ang pagkakaroon ng allotment na P1 milyon kada taon ng pamahalaang panlalawigan sa loob ng 15 taon o hanggang sa 2026.

Batay sa ordinansa, ipatutupad din ng mga susunod na manunungkulan sa pamahalaang panlalawigan at kukunin o manggagaling naman ang ilalaang pondo mula sa supplemental budget. Lalo na kung ang pagkakagastusan ng badyet ay ang pangangalaga sa Mount Banahaw de Lucban.

Ang pag-apruba sa nasabing ordinansa ay ginawa matapos din ang mga pag-aaral at serye ng mga committtee hearing ng Committee on Environment, Budget at Committee on Laws ng Sangguaniang Panlalawigan ng Quezon.

Matatandaan na ipinaabot ni dating bokal Claro Talaga gayundin ni Dr. Cecilia Gascon, director ng Southern Luzon State University (SLSU) sa Lucban, ang kahilingan para sa rehabilitation at reforestration project ng Banahaw sa Sangguniang Panlalawigan.

Magtatalaga naman ng monitoring team mula sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), NGO’s at mga local government unit para subaybayan ang rehabilitasyon ng bundok.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply