P10B peace bond naging P35B utang ng gobyerno

DAHIL pinag-uusapan ang pagkukulong sa mga nandudugas sa gobyerno, maganda na ring muling buhayin ang kontrobersiya sa P10 bilyong tinawag noong 2001 na PEACE (Poverty Eradication and Alleviation Certificate) Bond.

Itong Peace Bond na ito ay ginawang paraan para makapangutang ang pamahalaan.

Sa madaling salita, may kumagat dito na bangko sa kondisyon na sa loob ng 10 taon, kailangang magbayad ang gobyerno ng P35 bilyon.

Mining tu sey, Suki,  P15 bilyon ang interes ang utang na ito.

Dumating na nga ang panahon na kailangang magbayad ang gobyerno, ngayong 2011.

oOo

Noong kinuha ng isang bangko ang Peace Bond, may isang organisasyon na kumita ng P1.48 bilyon.

Sa simpleng salita, nakakomisyon sa bentahan/utangan ng Peace Bond ang organisasyon na Code-NGO at ginamit umano ito na pantulong sa mga mahihrap.

Ang mga sikat na tao na sangkot dito ay kilala mula ulo hanggang paa at mula katawan hanggang kaluluwa nina Sec. Dinky Soliman at Sec. Ding Deles.

Isang tanong dito, saan nga pala napunta ang P1.48 bilyon?

Ang sabi, inilipat ito sa isang bagong tatag noon na foundation.

Pagkatapos, ano ang nangyari?

Ewan natin, pero baka alam din nina Secs. Dinky at Ding kung kaninong bulsa, este, kaninong mahihirap napunta ang dambuhalang pondo.

Aba, mas malaki pa ito sa P325 milyong intel fund ng PCSO na pinag-aawayan sa Senado at pag-aawayan yata sa Ombudsman.

oOo

Ang tiyak, magbabayad ang gobyerno ng P35B ngunit ang pagkukunan ng pambayad ay mula sa EVAT, toll at iba pang hinuhugot mula kay Juan. PNoy, ano ba ito?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply