P11M para pang-agapay sa mga OFW mula Libya

NAKAPAGSIMULA nang magtayo ng maliliit na negosyo sa Bulacan ang mga pinabalik na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Libya sa tulong ng P11-milyon pondo ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay Jovito Saguinsin, hepe ng Provincial Cooperative and Economic Development Office, 150 OFW sa lalawigan ang natulungan ng paunang P5-milyon pondo na natipid mula sa nakaraang administrasyon.

Kasalukuyang nakapaloob sa trust fund ang natitirang P6 milyon, na gagamitin din sa pagpapautang.

Tumanggap ang bawat naaprubahang OFW ng hindi tataas sa P25,000-P50,000 tulong pangkabuhayan.

Sinabi ni Saguinsin na kumita na ang pamahalaan mula sa mga interes ng mga pautang at gagamitin aniya ang mga kinita sa pagkakaloob ng dagdag pang tulong-pinansyal sa mga OFW at kooperatiba sa lalawigan.

“Intact pa ang P6 million na trust fund. Ang mga interest mula sa P5-million fund ang pinapaikot natin. Kumita na tayo diyan,” ani Saguinsin.

Magpapautang muli ng P3 milyon mula sa kabuuang pondo sa mga pinabalik na OFW galing Libya sa darating na Agosto.

Ginamit ng mga OFW ang mga nautang sa pagpapatayo ng mga negosyong produksyon at pagawaan sa lalawigan, dagdag ni Saguinsin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply