P167-M iligal na droga winasak ng PDEA

TINATAYANG hindi kukulangin sa P167,000,000 ang halaga ng iligal na droga at mga expired na gamot ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barrio Matictic, Norzagaray, Bulacan Biyernes.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nasabing aktibidad ay alinsunod sa nilalaman ng batas sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Dangerous Drugs Board Regulation No.1 series of 2002, ang disposisyon ng mga kumpiskadong dangerous drugs, chemicals at laboratory equipment.

Ani Gutierrez, ang pagawasak ng mga nakumpsikang mga ebidensiya ay upang masiguro sa publiko na hindi na mare-recycle pa at maibalik muli sa lansangan.

Kabilang sa winasak ang opium poppy seeds na may bigat na 2.59 tonelada, 8.9 kilo ng shabu, 4 kilo ng cocaine, 37 kilog ng pinatuyong dahon ng marijuana at iba pang mga dangerous drugs at mga expired na gamot.

Kabilang sa nakasaksi sa pagwasak ay sina Senator Vicente Sotto III, mga miyembro ng House committee on dangerous drugs na pinamunuan ni Chairman, Rep. Vicente Belmonte; at Secretary Antonio Villar, chairman ng Dangerous Drugs Board.

Saksi rin ang mga kinatawan ng Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, non-government organizations at ilang miyembro ng media.

Ang HOLCIM Philippines naman ang nagsagawa ng proseso ng pagwasak na lisensiaydo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng kiln co-processing, isang method ng waste material disposal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply