P17 COLA para sa minimum wage earners sa Region 10

MAKAKATANGGAP ng karagdagang P17 Cost of Living Allowance (COLA) ang mga minimum wage earners sa Region 10 o Hilagang Mindanao.

Batay sa inaprubahang wage order ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB), sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz na isasama sa basic pay ng mga minimum wage earner ang nasabing COLA makalipas ang anim na buwan.

Gayunman, magiging epektibo na aniya ang implementasyon nito makalipas ang 15 araw mula ng mailathala ito sa mga pahayagan.

Nakasaad pa sa kautusan na sa unang anim na buwan ang minimum wage rates sa non-agricultural sector sa Northern Mindanao (Cagayan de Oro at Iligan City at mga bayan ng  Tagoloan, Villanueva, at Jasaan) ay P286 habang ang mga nasa agriculture sector naman ay P274.

Para naman sa mga manggagawa sa Malaybalasy, Valencia, Gingoog, El Salvador at Ozamis City at mga bayan ng Maramag, Quezon, at Manolo Fortich ay P281 ang tatanggaping sweldo habang ang nasa agriculture sector ay P269.

Ang mga non-agricultural workers naman sa Oroquieta at Tangub City at mga bayan ng Lugait, Opol, at Mambajao ay tatanggap ng P276 habang ang mga nasa agriculture sector ay tatanggap ng P264.

Ang mga non-agriculture workers naman na hindi sakop ng mga nabanggit na lugar ay tatanggap ng P271 habang mga nasa agriculture sector ay tatanggap ng P259. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply