P17 milyon pananim nawasak kay ‘Juaning’

UMAABOT na sa P17 milyon halaga ng mga pananim ang winasak ng bagyong Juaning sa Bicol region.

Sa inisyal na assessment ng Department of Agriculture, sinabi ni Secretary Salvador Salacup na ang naturang halaga ay mula sa Region 5 pa lamang at hindi pa kasama ang ibang lugar na hinagupit ng bagyong Juaning.

Sa kabuuang halaga, P10 milyon ang nasira ng naturang bagyo sa palayan ng Bicol, P6.1 milyon sa high value crop gaya ng gulay at P220,000 halaga ng mais.

Sinabi pa ni Salacup na ang mga lugar ng Albay, Camarines Sur at Camarines Norte ang nakapagtala ng may pinakamataas na pinsala ng bagyo.

Binigyang diin ni Salacup na bagamat napinsala ng bagyo ang mga pataniman sa Bicol, madali naman ang mga itong makaka-recover dahil nagsisimula pa lamang ang mga magsasaka na magtanim sa ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply