P1-B para sa istraktura sa Spratlys ikakasa

UPANG patatagin at palakasin ang paninindigan ng bansa sa Spratly Islands, dapat magpatayo doon ang pamahalaan ng Pilipinas ng mga istraktura, ayon sa isang mambabatas.

Ayon kay Rep. Rufus Rodriguez ng Cagayan de Oro, maghahain umano siya ng batas na magbibigay ng P1-bilyon pondo sa Kalayaan Island upang patibayin ang soberenya ng bansa sa pinag-aagawang grupo ng mga isla.

Kailangan umanong ibuhos ang halaga sa pagpapatatibay ng mga hangganan bilang depensa at mga gusali sa Kalayaan Islands, pagtatayo ng mga pantalan at pag-ayos sa Rancudo Airfield na nasa Pag-Asa Island.

Ang pagtatayo ng mga istraktura ay makatutulong din umano upang mapaunland ang industriya ng turismo sa lugar.

Ibinilang ng Department of Finance ang Pag-Asa Islands na 5th class municipality dahil sa taunang kinikita nito sa halagang P15-25 milyon lamang isang taon.

Kung magkakaroon dito ng mga hotel, pasilidad, kampo ng militar para sa seguridad at maayos na paliparan ay aangat umano ang ekonomiya ng lugar.

Ang Kalayaan Island ay mayroon lamang isang barangay, ang Barangay Pag-Asa, at may populasyon lamang na 300 hanggang 400 katao na mapupuntahan sa pamamagitan ng 1.3 kilometro na airstrip. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply