P32.5-M imported rice nasamsam sa Malabon

AABOT sa P32.5 milyon ang halaga ng mga imported na bigas na nasamsam ng mga pulis na nakaimbak sa isang bodega sa Malabon City Lunes ng umaga.

Dinakip si Ronnie Malvar, caretaker ng bodega sa Pineapple Rd., Potrero ng lungsod.

Ayon kay Director Samuel Pagdilao, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), dakong alas-diyes ng umaga nang salakayin ang nasabing bodega sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Executive Judge Amor Reyes ng Manila regional trial court.

Umabot sa 25,000 kaban ng Vietnam rice ang inabutan ng CIDG. Nang hingian ng papeles ay walang maipakita si Malvar.

Wala rin itong permit mula National Food Authority bilang katibayan na pinapayagan ang mga ito na mag-imbak ng mga bigas.

Sasampahan din ng mga kasong paglabag sa pag-iimporta ng mga imported na bigas at iligal na pag-iimbak ng mga bigas ang mga nakalalaya pang sina Yong Lang Li, Willard Sichangco at Anthony Chua, na umano’y nagmamay-ari ng mga kumpiskadong bigas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply