P325M, ibinigay ng PCSO kay GMA – Guingona

NAKAGUGULAT na umabot sa mahigit P325 milyong intelligence funds ang ibinigay ng dating pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kay dating Pangulo,  ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo mula 2008 hanggang 2010, ayon kay Sen.  Teofisto Guingona III.

Sa kanyang opening statement, sinabi ni Guingona na binigyan ng kapangyarihan ng dating board ng PCSO si dating general manager Rosario Uriarte na gamitin ang lahat ng intelligence funds na umaabot sa P325 milyon mula 2008 hanggang 2010.

“In February 18, 2008, the Board approved the appointment of (Ms) Rosario Uriarte as the special disbursing officer where checks were issued to her name,” ayon kay Guingona.

Sinabi pa ni Guingona na natatanging dahilan na ginamit ni Uriarte at Board ng PCSO sa pag-aapruba ng resolusyon na habulin ang taong nasa likod ng ilegal na aktibidad sa loob ng ahensiya tulad ng pagbebenta ng gamot na may tatak ng PCSO sa ilang drug stores, maling paggamit ng endowment funds ng pribadong institutions at hulihin ang mga fixer sa compound ng PCSO sa Quezon City.

Ngunit, kinuwestiyon ni Guingona si Uriarte kung may nahuli na, naipakulong o nakasuhan sa korte sa sinasabing mga taong sangkot sa illegal na aktibidad sa loob ng PCSO.  “Mayroon na ba kayong nahuli, nadakip, o nakasuhan sa korte?”

Isa pa sa ikinagulat ni Guingona ang pag-aapruba ng Board sa pagpapalabas ng halagang P150 milyon  sxa bisperas ng 2010 presidential election noong Mayo 10, 2011 at ibigay ang naturang halaga kay Pangulong Arroyo.

Sinabi pa ni Guingona na noong 2008, inaprub ng Board ang pagpapalabas ng halagang P75 milyon bilang intelligence funds, P90 milyon noong 2009, at sa 2010, umabot sa P160 milyon at nitong enery 4, 2010, umabot naman sa P150 milyon ang ipinalabas kay Uriarte.

“Wow, napakalaking halaga nito. Ipinalabas sa panahon ng eleksiyon,” ayon kay Guingona.

Natuklasan pa ng Senado na kumuha din si Pangulong Arroyo ng pondo bilang intelligence fund mula sa pondo ng public relations ng PCSO na dating pinamumunuan ni Advertising and public promotion chief Manuel Garcia na nahaharap ngayon sa kasong tax evasion at plunder.

“The intelligence funds was sourced from the 20% of the total amount of the public relations funds allocated by the PCSO.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply