P4.3-M wedding ring ninakaw; Pinay sa Saudi kalaboso

ISANG Pinay sa Saudi Arabia ang inakusahang nagnakaw ng isang wedding ring na nagkakahalaga ng SR375,000  o P4.315 milyon.

Ito ay ayon sa report ng isang Saudi-based news site, Miyerkules, Hulyo 13, kung saan inaakusahan ang isang 29-anyos na kasambahay ng kasong pagnanakaw sa isang korte sa Dammam.

Nabatid na isinampa ang kaso noong Hulyo 29 habang naireport na rin ng kaniyang recruiter ang kinasasangkutang gusot sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Adjudication Division.

Ayon pa sa ulat ng Arab News, limang araw nang nakadetine ang naturang Pinay sa Dammam Central Jail.

Samantala, nabatid din kay migrant advocacy group Migrante Middle East coordinator John Monterona na tumawag sa kanya noong Lunes ang Pinay at humihingi ng tulong.

Ayon kay Monterona, pilit itinatanggi ng Pinay na ginawa niya ang pagnanakaw dahil hindi umano siya pinapayagang makapasok sa kuwarto ng kaniyang amo kung saan nakatago ang naturang alahas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply