P4-M pekeng signature t-shirt nasabat ng NBI

NAKUMPISKA kamakailan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang may P4milyon halaga ng pekeng signature t-shirt na “North Face” sa isinagawang pagsalakay sa ilang outlets sa Parañaque at Maynila.

Isinagawa ang nasabing operasyon ng NBI-Intellectual Property Division (IPRD) at kinatawan ng naturang “clothing brand” na naunang nagsampa ng reklamo sa  IPRD.

Nabatid na ilang indibiduwal na nakilalang sina Charmel Cabilez Quinto, Helen Sy, at Jonathan Chow ang mga sangkot sa iligal na pagbebenta ng produkto ng “North Face” sa kanilang mga stalls at outlet na matatagpuan sa Binondo at Parañaque.

Matapos ang pagmamanman ay agad namang nag-apply ng search at seizure warrant ang NBI sa sala ni Manila Regional Trial Court Branch 21 Executive Judge Amor A. Reyes.

Kabilang sa sinalakay ay ang sales outlet at tatlong stockrooms na nasa Stalls 2A12 & 2A14, second floor at unit 3D-7, third floor, ng Juan Luna Plaza Shopping Mall, Juan Luna Street, Binondo, Maynila; at Units 2 & 3, Ed & Joe’s Commercial Arcade, sa No. 153 Quirino Avenue, Tambo, Parañaque City kung saan nakuha ang may 2,162 pekeng “North Face” shirts na nagkakahalaga ng P4 milyon.

Paglabag sa Trademark Infringement, sa ilalim ng Intellectual Property Code of the Philippines o Republic Act 8293, ang kinakaharap ngayon ng mga may-ari ng sinalakay na establisimiyento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply