P42B kontrata sa thermal paper kinansela ng PCSO

KINANSELA na ng kasalukuyang pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pinasok na P42 billion kontrata ng dating opisyal ng PCSO sa isang Australian company na magsu-supply ng thermal paper na gagamitin sa lotto tickets.

Sa pagdinig ng senate Blue Committee na pinamumunuan ni Senador Teofisto Guingona, kaugnay sa PCSO scandal, kinumpirma ni Aleta Tolentino, miyembro ng kasalukuyang board ng PCSO na kanselado na ang nasabing kontrata sa Australian company.

Kasabay nito, kinasuhan na rin ng graft ang dating board ng PCSO na siyang nag-apruba ng kontrata na tatagal ng 50 taon.

Kabilang sa mga akusado ay sina Rosario Uriarte, dating general manager at vice chair; directors Jose Taruc, Raymundo Roquero, Ma. Fatima Valdes at Manuel Morato.

Ang dating mga opisyal ay kabilang sa pumirma sa Resolution 2171 na nagpatibay ng joint venture agreement sa pagitan ng PCSO at Australian-based TMA group.

Tahasang sinabi ng kasalukuyang administrasyon na talo ang gobyerno sa pinasok na kontrata ng dating PCSO officials.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply