P5 milyon ari-arian naabo sa sunog sa QC

AABOT sa limang milyong pisong halaga ng ari-arian ang naabo habang dalawa ang sugatan makaraang masunog ang isang garment factory sa Quezon City kaninang umaga.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City, naganap ang sunog dakong 10:30 ng umaga nang sumiklab ang Hammerhead Garment factory sa Banawe St. kanto ng Cuenco St., Brgy. Santo Domingo, QC.

Napag-alaman na  umabot ang sunog sa 4th alarm at makalipas ang may dalawang oras ay naapula ito ng mga pamatay.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng arson  probers ng BFP, ang sanhi  ng sunog  ay faulty electrical wiring sa loob ng isang opisina na imbakan ng mga tela.

Nasugatan naman sa nasabing sunog ang mag-amang Kenneth at Robert Agtabiano.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply