P50-M fake software nakumpiska ng NBI

UMABOT sa P50 milyon ang halaga ng mga pekeng computer software na nakumpsika ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang raid sa Metro Manila.

Sa ulat na nakarating Martes sa tanggapan ni NBI Director Magtanggol Gatdula, ni-raid ang Freyssinet Filipinas Corp. na matatagpuan sa ika-9 na palapag ng Espana Tower sa  2203 Espana Ave., sa panulukan ng Josefina St., Sampaloc, Maynila, at Mana Architecture and Interior Design Co., sa Unit 902 sa 31 Annapolis St., Greenhills, San Juan City.

Bukod dito, sinalakay din ng NBI ang Sigma Bear Inc. at Creative Design Labs Inc. sa Quezon City.

Ayon sa rekord na inireport ni Rommel Vallejo, pinuno ng NBI-Intellectual Property Rights Division, ang operasyon ay isinagawa dakong alas-onse ng umaga noong nakaraang Hulyo 7.

Nabatid na nakatanggap si Vallejo ng reklamo mula sa SoftAutodesk Inc., isang kumpanya sa America na gumagawa ng software programs ng mga computer, na nagsasabing may mga nabentang pekeng software sa bansa.

Bunsod nito ay nagsagawa ng surveillance ang ahensya at test buys hanggang sa makumpirma ang impormasyon.

Agad namang isinagawa ang raid sa nasabing lugar sa bisa ng search warrants na mula sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 21 ni Executive Judge Amor Reyes para sa paglabag ng Section 177.1 in relation to Section 217 ng Republic Act. No 8293.

Napag-alaman na umabot sa 119 set ng computer na naglalaman umano ng iba’t ibang unauthorized reproductions ng Autodesk,Inc. software na nagkakahalaga ng P50 milyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply