Paaralang magpapatupad sa ‘no fee no exam’ ipasasara

ISASARA at pagmumultahin na ang mga eskuwelahan na hindi pakukuhanin ng mid-term at final examinations ang mga estudyanteng hindi pa nakakabayad ng kanilang tuition fees.

Ito ay kapag naging isang ganap na batas ang House Bill 4559, na pangunahing isinulong ni Manila Rep. Carlo Lopez.

Layunin ng panukala na ideklarang labag sa batas ang hindi pagbibigay ng eksaminasyon sa mga estudyanteng hindi pa nakababayad ng tuition.

Nakasaad sa panukala na mahaharap sa suspensyon o kanselasyon ng permit upang makapag-operate ng eskuwelahan at pagmumultahin ito ng hindi lalagpas sa P50,000.

Nilinaw naman ni Lopez na pinapahintulan ng panukala na huwag munang ibigay ang grado ng estudyante hanggang hindi pa nababayaran ng buo ang tuition fees, gayundin ang interest charges nito.

“The bill recognizes the rights of the school authorities, who cannot be compelled to issue clearance to students with unpaid financial obligations to their schools,” ayon kay Lopez.

Sa ilalim ng naturang panukala, ang estudyanteng hindi pa nakakukumpleto ng tuition ay maaaring tanggapin ng eskuwelahan hanggang sa mga susunod na semestre o susunod na pagbubukas ng klase at hanggang sa mabayaran na niya ito nang buo.

Obligado rin ang estudyanteng bayaran ang interes o unpaid tutition fees o kabuuan ng hindi hihigit sa 14 porsiyento kada taon, base sa computation mula sa petsa ng eksaminasyon maliban, na lamang kung i-waive ito ng school authorities.

“Under the bill, the poor students with delinquent tuition fees shall be protected and can bring the their case to the court, as well as the schools right to slap interest for the unpaid tuition fees and cannot be compelled to issue clearances to students with financial obligations to their schools,” giit pa ni Lopez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply