Pabahay, zoo at reporma sa gobyerno gusto ni PNoy

MARAMING sundalo at pulis ang natuwa sa pamamahagi ni Pangulong Noynoy ng Certificate of Entitlement to Lot Allocations sa Bocaue Hills, Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan.

Naglaan si PNoy ng P4.2 bilyon para sa konstruksyon ng 20,000 housing units sa12 lugar sa bansa ngayong taon sa pamamagitan ng National Housing Authority.

Namahagi rin si PNoy ng CELAs sa mga kwalipikadong benepisiyaryo sa Lake Breeze residences sa Calamba, Laguna.

ZOO – Nagmamalasakit din ang Malacañang sa mga kalagayan ng mga hayop sa Manila Zoo.

Suportahan natin ang pagsali ng gobyerno sa kampanya ng publiko na maghanap ng donasyon para sa zoo.

Spratlys – Tiniyak ng gobyernong Aquino na mareresolba sa pamamagitan ng mapayapang paraan ang girian sa West Philippine Sea nang hindi isinusuko ang paghahabol ng bansa sa kontrobersyal na mga isla roon. Dapat ikagalak ng sambayanan ang pagkakaroon ng pamahalaan na

nagtatrabaho ng husto sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs sa pagtiyak ng maayos na resolusyon ng gusot sa tulong ng diplomatic channels. Isang magandang balita rin ang pagkakasundo ng Pilipinas at China na panatilihin ang malawak na relasyon. Reporma –

Kahanga-hanga ang lakas ng political will ni PNoy na inaasahang magpapatuloy sa pagsusulong ng mga reporma sa kabila ng matinding pagtutol dito ng nasasagasaang mga kritiko. Walang kwestiyon na desidido si PNoy na tulungan ang pinakamahihirap na mga tao, paunlarin ang

ekonomiya at ipatupad ang maayos na pamahalaan sa pagtatapos ng kanyang termino sa darating na taong 2016.

Ang isa sa kongkretong reporma ni PNoy ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program at Conditional Cash Transfer na ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply