Pabango ng model/doktor agaw-pansin sa matrona

AGAW pansin para sa ilang matrona ang isang pabango na iniindorso ng minsan na ring naging kontrobersyal na model/doktor kwak-kwak dahil sa kanyang kalaswaan sa video na nagkalat sa internet at mga cellphone.

Habang naglalakad ang dalawang gurangis na sobrang yaman at hindi na natin babanggitin pa ang pangalan ay bigla silang naparaan sa isang stand ng mga pabango at nang mabasa nila ang tatak at modelo ng pa-bango ay bigla silang napatigil.

Bukod sa pagkatigil, nasaksihan din ng matang kuwago ng Remate na inamoy pa ng dalawang matrona ang halimuyak ng pabango kung talagang mabango gayong panlalaki lamang ang pabango.

Maging ang kanilang bodyguard na mayroong matipunong katawan ay palihim na napangiti na lamang at nakipagkwentuhan sa isang salesboy ng mall na ibang pabango naman ang ibinibenta.

Ang malupit nito, umabot ng kulang-kulang sa limang minuto ang dalawang gura-ngis hindi lang sa pag-amoy ng pabango kundi sa pag-uusap at pagtsitsismisan.
Kasi kontrobersyal nga ang buhay ng naturang model/doktor.

Sa bandang huli naghagik-gikan ang dalawang gurangis at animo’y kilig na kilig at kinikiliti sa kanilang singit.

At pinag-isipan ng dalawang gurangis kung sakaling bibili sila — kanino nila kaya ito ibibigay?

Hoops bawal bigyan ng clue ang dalawang gurangis na ito dahil ang isa rito ay asawa ng isang sikat na mambabatas.

Pero ang iniindorsong pabango ay hango rin sa pangalan ng naturang modelo na mayroong karelasyon na halos doble ng kanyang edad at sinasabing utak umano ng pagkakalat ng kanyang malalaswang video clips sa kanyang pakikipagrelasyon at pakikipag-sex sa mga kababaihan.

Alam ba ninyong dapat na magpatingin sa isang psychiatric doctor ang modelong ito at wala ring hiya na nakipagbalikan pa sa kanyang lolang karelasyon. Kaya huwag magtaka kung bakit ang mga gurangis ang nakapapansin ng kanyang pabango dahil gurang na rin ang kanyang karelasyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply