Pacman pinaghahanda ni Marquez

PINAGHAHANDA na ni WBA/WBO lightweight champion Juan Manuel “Dinamita” Marquez (53-5-1, 39 KOs ) si pound-for-pound king Manny Pacquiao.

Ipinadala ni Marquez ang mensahe para kay Pacman nang pabagsakin si Likar Ramos (24-4, 18 KOs) sa first round lamang ng kanilang non-title Jr welterweight matchup sa Plaza de Toros in Cancun, Quintana Roo , Mexico .

Isang nakakahilong kanan ang tumama sa panga ni Ramos na nagpaikot ng paningin nito dahilan upang matapos ang laban sa oras na 1:47.

Samantala, si dating world champion Rafael “Raffa” Marquez (40-6, 36 KOs) ay ginulpi naman si Eduardo Becerril (12-8-2, 4 KOs ) sar five rounds at hindi na ito sumampa ng round six.

Napabagsak ni Marquez si Becerril sa pamamagitan ng left hook sa round four.

Balak ni Marquez na hamunin ngayong taon si WBC super bantamweight champion Toshiaki Nishioka.

Kasabay nito, si WBA light flyweight Roman “Chocolatito” Gonzalez (29-0, 24 KOs) ay nadepensahan ang korona sa pamamagitan ng seventh round TKO kay Omar Salado (22-4-2, 13 KOs ).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply