Pacman pinakamaraming absent sa Kongreso

TANGING si Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla ang may perpekto ang attendance sa hanay ng mga artista sa nagdaang unang regular na sesyon ng 15th Congress.

Base sa inilabas na attendance records ng 15th Congress mula Hulyo 26, 2010 hanggang Hunyo 8, 2011, walang iniliban si Mercado-Revilla sa loob ng 73 araw na session days bagama’t aktibo rin ito sa paglabas sa telebisyon.

Sumunod naman kay Mercado-Revilla si Ilocos Norte 2nd District Rep. Imelda Marcos na isang beses lamang lumiban o kabuuang 72 araw ang pinasok sa loob ng 73 araw na sesyon.

Si Leyte 4th district Rep. Lucy Marie Torrez-Gomez ay nakapagtala ng 69-araw na ipinasok sa Kamara at tanging si Pambansang Kamao at Saranggi Rep. Emmanuel “Manny” Pacquiao sa mga prominenteng personalidad ang may pinakamaraming pagliban.

Sa kabuuang 73 araw na sesyon sa Kamara ay 47 beses na araw lamang dumalo si Pacquiao.

Kabilang din si  House Speaker Feliciano Belmonte Jr.sa may 143 mambabatas na may kumpletong attendance sa Kamara.

Kabilang sa mga kumpleto ang attendace ang mag-inang sina dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at  Camarines Sur Rep. Diosdado Macapagal-Arroyo sa buong 1st regular session ng Kamara na 73-araw na sesyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply