Pacquiao ipinagtanggol ang mga obispo

MARIING ipinagtanggol ni Saranggani Representative Manny Pacquiao ang mga obispong sangkot sa kontrobersyal na tumanggap ng malalaking donasyon at mamahaling sasakyan mula sa pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Giit ni Pacquiao, na wala siyang nakikitang mali sa pagtanggap ng mga Sport Utility Vehicle ng mga Katolikong obispo.

Katwiran ni Pacquiao, ang mga sasakyan ay ginagamit ng mga obispo sa kanilang pagbiyahe sa mga bayan-bayan at hindi naman umano ginamit para sa pangsariling kapakanan kaya wala siyang nakikitang masama dito.

Matatandaang si Pacquiao ay nasa panig din ng Simbahang Katolika sa kanilang kampanya kontra sa Reproductive Health Bill.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply