Pacquiao isasabak ng NP sa pagka-senador sa ‘16

ISASABAK ng Nacionalista Party (NP) si Saranggani Rep. Manny Pacquiao bilang kandidato sa pagka-senador sa 2016 elections.

Ipinahayag Sabado ni Sen. Manny Villar, presidente ng NP, na magkakaroon sila ng kandidato sa pagka-pangulo, pangalawang-pangulo, senador at mga kongresista sa 2016 elections.

“Ang partido ay palakas ng palakas at siyempre tumitingin din kami sa 2016. Siyempre ang partido ay sigurado na maglalagay ng kandidato diyan,” ani Villar.

Nauna na ring napaulat ang pangarap ng pound-for-pound king na tumakbo bilang pangulo ng bansa sa tamang panahon, pero susubukan muna niyang maging senador.

Sinabi naman ni Villar na hindi pa kuwalipikado si Pacquiao na tumakbong Presidente sa 2016 dahil kapos pa ito sa age requirement.

Ikinatutuwa naman ni Villar ang pananatili ni Pacquiao sa NP, gayundin ng iba pang local government officials na nanalo noong nakaraang halalan.

“Marami pa din kami. May 200 mayor pa yan, mahigit na 30 congressmen, sampung governor. Actually kami naman ay regular na nagkikita, tahimik lamang kami, tuloy ang mga trabaho namin subalit siyempre kami ay isang political party, naghahanda din kami para sa mga darating na halalan,” ayon sa pangulo ng NP.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply