Pacquiao nominado sa 2011 ESPY bilang Best Fighter

MALAPIT ng malaman kung sino ang tatanghaling Best Fighter sa gaganaping 2011 ESPY (Excellence in Sports Performance Yearly) award sa darating na Hulyo 13 sa Nokia center sa Los Angeles California.

Nominado si eight-division world champion Manny “Pacman” Pacquioa sa pang-apat na pagkakataon, kasama rin sina boxers Sergio Martinez at Bernard Hopkins at MMA fighters Georges St-Pierre at Jon Jones sa nasabaing prestihiyosong award para sa mga ahtletes.

Malaki ang tsansa ni Martinez na makopo ang award subalit hindi rin basta-basta padadaig sina Jones at St-Pierre na kagagaling lang sa impresibong panalo sa UFC nitong nakalipas na 12-buwan.

Sina Pacquiao at Floyd Mayweather Jr,. pa lang ang athletes na nag-uwi ng Best Fighter ESPY award. Wala pang nananalong MMA fighter.

Impresibo rin ang mga panalo ni Martinez kina Kelly Pavlik, Paul Williams.

Samantala, kasama sa puwedeng ipagmalaki ni Pacquiao ang mga panalo nito laban kina Antonio Margarito noong Nobyembre, 2010 at Shane Mosley nitong Mayo.

Hindi hadlang kay Hopkins ang kanyang katandaan kaya nominado rin siya matapos sungkitin ang WBC, IBO at The Ring light heavyweight titles ng talunin si Jean Pascal noong Mayo.

Sa edad 46, si Hopkins ang pinakamatandang boxer na nag-uwi ng major world title.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply