Padre, yung kuwatro ko hindi ko pa natatanggap!

SA ating pagdalo sa pabasbas sa bagong gymnasium sa isang kolehiyo na kabilang sa state universities and colleges, narinig natin ang isang senador na nagsabi sa kontraktor ng nasabing gusali ng ganito, “Padre, yung kuwatro ko, hindi ko pa natatanggap.”

Siyempre, naintriga tayo sa sinabi ng senador.

Matapos masabi ng senador ang ganoong mga salita, umalis na si honorable senator, kasama ang kanyang mga bodyguard.

Naiwan tayong naintriga, lalo’t hindi natin gaanong naintindihan kung ano iyon.

Kuwatro?

Ano yun?

Gaano kahalaga iyun?

P400,000 KICKBACK MULA SA PDAF

Bilang diyarista, gumawa tayo ng paraan na madiskubre ang ibig sabihin ng mystery word na kuwatro.

Madali lang pala.

P400,000 pala.

Kuwatro, apat…aaaha, P400,000 nga.

Komisyon pala ni senador mula sa ipinatayong gymnasium.

Itinayo ang gymnasium bilang bahagi ng educational program ni senador at ang kanyang priority development fund ang pinanggalingan ng pondo.

P2 milyon pala ang halaga ng sports facility na yun.

At ang P400,000 pala ay 20% komisyon mula sa P2 milyon.

Ewan natin kung ilang gymnasium ang naipatayo ni senador.

Pero ang narinig natin, mayroon pa siyang ipinatayo ring mga gusali ng mga eskuwelahan mula pa rin sa kanyang mga PDAF.

Panahon iyon ng pagsasabi ng DepEd na ang bawat kuwarto ng pablik iskul ay dapat na nagkakahalaga lang ng nasa P400,000-P500,000 lang.

At ilang two-storey building, 4-8 classrooms ang naipatayo ni senador sa iba’t ibang bahagi ng bansa?

Magkano kaya ang kinita ni senador dito?

Bawat senador ay may P200 milyon taon-taon na PDAF o pork barrel kung tawagin.

Sa salitang kalye, mga Bro, pangmantika sa nguso ang pork barrel.

Pinagkakakitaan ng mga nasa Kamara at Senado.

PORK BARREL DARAGDAGAN

Para ganahan ang mga mambabatas sa paggawa ng batas, gagawin na yatang P100M ang PDAF ng mga kongresman at mahigit na ring P200M ang para sa mga senador.

Ano yan, para lumaki rin ang kanilang mga kick-back?

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o ita-wag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply