Pag-aralan muna ang kanta bago tumili si Marcelito

NAPANGIWI at napakagat sa mga labi ang ilang audience ng Happy, Yipee, Yehey nang bumira ng kanta si Marcelito Pomoy at i-falsetto ito.

Sablay as in parang tunog ng isang nalo-lowbat na casette tape ang pagkakanta nito sa ilang awitin.

How much more ‘yung mga nanonood lamang sa telebisyon? Masyadong halata ang pagkalat ng PGT2 grand prize winner sa naturang noontime show.

Huwag masyadong kampante. Dapat at nararapat lamang na pag-aralan ni Pomoy ang mga kinakanta niya. Hindi ‘yung porke’t ikaw ang nag-champion sa Pilipinas Got Talent 2 magre-relax kana at bara-bara na lang ang pagkanta.

JAKE CUENCA ATAT MAGKA-GIRLFRIEND

Pagkapos na manligaw umano kay Bianca Manalo si Jake Cuenca at makarinig ng mga masasamang salita dahil rason ng una, friend niya si Melissa Ricks at kakapalan ng mukha ang puntiryahin siya ng aktor, heto’t hindi pa nga nahihimasmasan sa mga narinig sa model turned TV host ay umiksena naman siya kay Kim Chiu.

Ganun din ang nangyari sa kanya sa sumunod nitong target, butata rin siya kay Kim.

Dobleng kahihiyan ang inabot ni Jake sa dalawang Kapamilya stars na kasamahan pa naman niya sa ABS CBN.

Pero hindi numipis ang pagmumukha ni Mr. Cuenca, huh! Kumabilang bakod siya at si Lovi Poe naman ang tinumbok nito. Dito sa Kapuso star ay mukhang good shot siya. Imagine, dinaan lang daw sa text ng binata ang pasaring kay Lovi at presto! in-invite siya nito sa premiere night ng Temptation Island.

At ang sumunod na chikang narinig natin, nag-date raw agad ang dalawa. Ang bilis naman. Pero sabi ni Lovi, natuto na raw siya sa mga pagkakamali niya sa mga nakaraan niyang relasyon. This time, kung may mga lakad man siya ng personal o kung may bago man siyang bf, sa kanya na lang daw ‘yun.

So, hulihin na lang natin sina Lovi at Jake kung saan sila nagpupunta.
Hehehehe!

***

JINKY PACQUIAO AYAW PAG-SHOWBIZ-IN NI MANNY BAKA MAUBOS DAW ANG MILYONES NILA

Matalino na ngayon si Manny Pacquiao pagdating sa pera. Hindi na siya kagaya nang dati na madaling magoyo. Kapag may nagbulong sa kanya noon na mag-prodyus ng pelikula, album o anumang proyekto, go agad siya.

This time, pinag-iisipan na niyang mabuti.

Ultimo ang kanyang misis na si Jinky ay ayaw niyang pag-showbiz-in dahil baka raw lokohin lang at maubos pa ang kanilang milyones. Mayaman na raw sila, so, ano pa raw ang dahilan para mag-artista ang kanyang asawa.

Abangan na lang natin si Manny sa bago nitong programa sa GMA-7, mamimigay daw siya ng pera. Talbugan n’ya kaya si Willie Revillame sa pagkapabolosa?

Payo lang sa ating pambansang kamao, huwag naman siyang laging nakabusangot kapag nasa harap ng kamera. Kahit bilyonaryo na siya’t sikat sa buong mundo, huwag naman sanang para siyang laging bored sa tuwing may kaharap na tao. Lalo na rito sa bago niyang show, kailangan all-smile siya rito kapag naggi-givesung sa tao dahil baka isipin ng ilan, napipilitan lang siya.

Hindi naman kasi kailangan magkaroon siya ng programa sa telebisyon kung napipilitan lang siya.

Si Willie, kahit maangas pero pagdating sa pakikiharap sa publiko lalo na sa mga mahihirap, mararamdaman talaga ang totoong nasa puso niya, ang tunay na pakikisimpatya at awa niya sa tao.

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 at sa # 09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply