Pag-atake sa Oslo masusundan pa

NAGBANTA ang suspek sa pagpapasabog sa government buildings at pamamaril sa youth camp sa karagdagang pag-aatake na binabalak ng dalawa umanong terror network na kaniyang kinaaaniban.

Ayon kay Anders Behring sa ulat sa Associated Press, inihayag nito sa harap ng korte na inaasahan na niyang mamamatay na siya sa kulungan ngunit kasabay naman ito sa paghahain ng not guilty plea dahil hindi umano niya pinagsisisihan ang kanyang ginawa.

Ayon kay Behring, ginawa niya itp upang maisalba ang Europe sa Muslim immigration.

Dagdag pa ni Behring, posible umanong masundan pa ang naturang pag-atake na pinaplano ng isang grupong anti-Muslim crusaders na kinaaaniban niya.

Kaugnay nito, iniutos na ng korte na ikulong si Brievik habang naghihintay ng paglilitis kug saan apat na linggo siyang ilalagay sa isolation.

Ayon kay Prosecutor Christian Hatlo, kalmado nang humarap sa korte ang suspek at para aniyang hindi man lang apektado sa kaniyang ginawa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply