Pag-disbar kay Mayor Sarah D. nasa kamay ng IBP– SC

DUMISTANSIYA si Court Administrator at Supreme Court Spokesman Justice Midas Marquez sa isyu ng pagpapa-disbar kay Davao City Mayor Sarah Duterte.

Iyon ay kaugnay pa rin ng pananapak ni Duterte sa isang sheriff sa Davao na nagpapatupad ng demolition order.

Ayon kay Marquez, ipinauubaya na nila sa Integrated Bar of the Philippines o IBP kung posible bang ground for disbarment laban kay Duterte ang ginawa niyang pananakit.

Sinabi ni Marquez na ang interes nila ay ang kaligtasan ni Sheriff Abe Andres na isang officer of the court at ang katiyakan na magagampanan nito ang kanyang trabaho nang walang balakid.

Batay umano sa pinakahuling impormasyon na kanilang natanggap, nasa ligtas namang kalagayan ngayon si Andres na naghain na rin kanyang leave of absence.

Kamakailan lamang ay nakipagpulong ang grupo ng mga sheriff kay Marquez para ilahad ang kanilang pangamba sa ginawang pananakit ni Duterte kay Andres.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply