Zaldy Ampatuan bilang state witness inayawan

MALUWAG sa loob na tinanggap ng kampo ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Gov. Zaldy Ampatuan ang pagtanggi ng Department of Justice (DOJ) sa alok nitong maging state witness sa Maguindanao Massacre case laban sa sarili nitong ama at mga kapatid.

Ayon kay Atty. Howard Calleja, abogado ni Zaldy, hindi naman pinagpipilitan ng kanyang kliyente na maging state witness para idiin ang kanyang ama at mga kapatid sa kaso.

Binigyang-diin ni Calleja na ang mahalaga sa kanila ay naihayag ni Zaldy Ampatuan ang katotohanan sa masaker.

Ang hiling  nila ngayon sa DOJ ay maging patas ito at pakinggan ang testimonya ni Zaldy at huwag basta ihalo sa kaso dahil lamang isa itong Ampatuan.

Bukod pa rito’y ayaw na ring patulan ng kampo ng dating ARMM governor ang mga pagdududa at patutsada laban sa kanya ng pamilya at mga abogado ng mga biktima sa Maguindanao Massacre case.

Kamakailan ay nagpahayag ng kahandaanng tumestigo si Zaldy laban sa kanyang ama at mga kapatid.

Sinabi ni Johaira Ampatuan, may-bahay ni Zaldy, na nais patunayan ng kanyang asawa na wala itong papel sa nasabing krimen kaya’t handa itong tumestigo laban sa mastermind ng masaker.
.
Nagdesisyon aniyang magsalita na ang kaniyang asawa para maabot ang katarungang inaasam ng pamilya ng mga biktima, gayundin ang mga nakakulong na kagaya niya na wala naman talagang kinalaman sa nasabing masaker.

Binigyang-diin naman mismo ni Zaldy na handa na siyang sabihin ang katotohanan kahit sino pa ang masagasaan.

Kasabay nito, umapela si Zaldy sa dating Pangulong Gloria Arroyo na magsalita na rin at sabihin sa publiko na magkasama sila noong nangyari ang masaker para patunayang wala talaga siyang kinalaman dito. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply