Pagbasura sa Truth Commission oks sa solons

MAITUTURING na parusa at pagsugpo sa ka-arogantehan ni Pangulong Aquino ang pinal na pagbasura ng Korte Suprema sa Executive Order 1 na lumikha sa Truth Commission.

Sinabi ni Minority Leader Edcel Lagman sa isang press conference na ito ay pangingibabaw pa rin ng Korte Suprema bukod pa aniya na may mga ahensya gaya ng Department of Justice at Ombudsman na maaaring mag-imbestiga sa mga katiwalian sa gobyerno.

“The final decision of the Supreme Court is a virtual sanction against the President who was found to have been motivated by partisan vengeance and selective retribution in solely targeting for prosecution his immediate predecessor.”

Si Lagman ang naghain ng petisyon sa SC matapos iisyu ni PNoy ang E.O. No. 1 dahil ito aniya ay unconstitutional.

Magugunitang sa kaniyang kauna-unahang SONA ay nagbitiw si PNoy na lilikha ng isang komisyon na mag-iimbestiga at hahabol sa mga katiwalian na diumano’y nag-uugnay kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kinatigan naman ni Majority Floorleader Neptali Gonzales ang pahayag ni Lagman sa pagsasabing may Truth Commission o wala ay tuloy ang intensyon ng gobyerno na papanagutin ang mga may sala.

“Truth or no Truth Commission we can go on because marami namang mga ahensiya ng pamahalaan that are already involved by the power provided for by the laws to do the investigation and file the necessary charges if needed,” ayon kay Gonzales.

Maging si Eastern Samar Rep. Ben Evardone ay kumbinsidong kahit wala ang Truth Commission ay magagampanan ng DOJ at Ombudsman ang imbestigasyon at nariyan naman aniya ang Sandiganbayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply