Pagbawi ng Pajero mula bishops trabaho ng PCSO

BAHALA na ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board na bawiin ang sports utility vehicles (SUVs) na ibinigay sa ilang Catholic bishops at mga ambulansiya naman sa local officials.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na ipinauubaya na nila ang usapin sa PCSO board dahil sila naman ang nagdesisyon na mamahagi ng nasabing sasakyan.

“The vehicles, ‘yung PCSO has its own board. Sila po ‘yung magdedeisyon kung ano ang action,” anito.

Tiniyak naman ni Valte na wala siyang nakikitang iligal sa pamamahagi ng PCSO ng mga ambulansya sa mga lokal na opisyal.

“The COA (Commission on Appointments) pointed out in its annual report in 2009 amount disbursed to five churches ‘yung motor vehicles. Walang illegal dahil ang  sharing ay 60-40 with LGU. It’s up to PCSO – being the collegial body that it is – to decide… through its board,” ani Valte.

Sa kabilang dako, pinabulaanan ng Malakanyang na natigil ang pagbibigay ng financial assistance ng PCSO sa mga mahihirap na Filipino. Sa katunayan aniya ay nakakakuha ng P20,000 ang mga walk-in applicant ng PCSO.

Sa kabilang dako, inamin ni Valte na may mga utang pa ang PCSO sa mga government hospital habang may mga guarantee letter ang walang pondo ang patuloy nilang inaaksyunan.

Dinepensa naman ni dating PCSO chair Manuel Morato ang pamimigay nila ng mga sports utility vehicle (SUV) na ibinigay sa ilang Catholic bishops at mga ambulansya naman sa local officials.

Aniya, desisyon ito ng dating PCSO Board of Directors kahit kailangang balikatin ng mga benepisaryo ang 40 porsiyento ng presyo ng mga sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply