Pagbenta ng lumang chopper sa PNP ng Arroyo’s nabuking

IBINULGAR ni Sen. Panfilo Lacson na mayroon siyang sapat na dokumento na nagpapakitang mismong ang pamilya Arroyo ang unang may-ari ng mga helicopter na “ipinilit” ibenta bilang brand new sa Philippine National Police sa halagang P105 milyon noong 2009.

Sinabi ni Lacson na pangunahing suspek ang pamilya Arroyo kabilang ang lahat ng lumahok sa bentahan, bilang pangunahing kandidato sa kasong plunder dahil lumampas ang halaga sa mahigit P50 milyon.

“Initial findings would indicate that the previous and original owners of the pre-owned, yet sold as brand-new light police operational helicopters are the Arroyos.

While it’s bad enough that the two units were overpriced and therefore grossly disadvantageous to the government, passing them off as brand-new smacks of brazen deceit and utmost bad faith,” aniya.

Isinusulong ni Lacson ang isang imbestigasyon hinggil sa pagbili ng halagang P105 milyong helicopter para gamitin ng Special Action Force ng PNP noong 2009 sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 518 na naglalayong ungkatin ang proyektong pagbili ng Light Police Operational Helicopter (LPOHs) mula sa Manila Aerospace Products Trading Corp. (MAPTRA).

Ayon kay Lacson, noong Hulyo 9, 2009, inaprubahan ng PNP Negotiation Committee ang paggawad ng kontrata sa MAPTA para sa isang Robinson R44 Raven II at dalawang Robinson R44 Raven I helicopter.

Pero, natuklasan na pumasok lamang ang MAPTRA sa naturang negosyo nitong Hunyo 2009, isang buwan bago maisakatuparan ang bentahan at natuklasan din na nauna nang mayroon nagmamay-ari sa mga sinasabing bagong helicopter noong pang Marso 2004.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Lacson na hindi maaaring sisihin ang mga opisyal ng pulisya na sangkot sa bentahan dahil sila ang complicit partners.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply