Pagdukot sa 4 na jail officer inako ng NPA

HAYAGANG inako ngayon ng New People’s Army (NPA) ang pagdukot sa apat na jail officer sa pamamagitan ng pagharang ng prison van, na noon ay naghahatid ng mga bilanggo sa Davao penal colony, kahapon ng madaling araw.

Tinatayang nasa 200 rebelde ang humarang sa nasabing sasakyan sa Kitaotao, Bukidnon at inagaw ang kanilang kasamahang rebelde na kinilalang si Dennis Rodenas at binihag ang apat na prison guard.

Patungo ang sasakyan sa Davao Prison and Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte

Sa ipinadalang liham ng  Herminio Alfonso Command ng NPA, nasasaad na ang kanilang kasamahang si Rodenas ay naging biktima ng hindi makatarungang hustisya.

Si Rodenas ay nahaharap sa kasong illegal possession of explosives. Iginiit ni Santiago na ang mga ebidensya iprinisinta ng Philippine Army laban kay Rodenas ay “planted.”

Ang mga dinukot na jail officer ay kinilalang sina: Insp. Erico Llamasarez, 26, jail warden ng  Ozamiz City Jail; Insp.  Murphy B. Todyog, 27, ng Lumbia City Jail sa Cagayan de Oro; Senior Jail Officer 2 Rogelio Begontes; at JO1 Rolando D. Bajuyo, Jr.

Sina Llamazares at Todyog ay kapwa nagtapos sa Philippine National Police Academy. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply