Pagiging state witness ni Zaldy timbangin — PNoy

INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang ilang indibidwal na timbangin ang alok ni dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan na tumayong state witness sa Maguindanao massacre.

“I have tasked individuals to assess exactly what he has to offer and whether or not it meets the criteria. Let me just be clear, the way I understood it in the media I understand he wants to turn state witness and that might have been point by some reporters. But state witness kasi engenders immunity from suit, dropping from the charges and there is no such request from him,” anito.

Tiniyak ng Punong Ehekutibo na walang hinihinging kapalit si Zaldy Ampatuan sa naging desisyon nitong tumayong pangunahing testigo laban sa sarili nitong ama at kapatid na sina dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. at dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. kapwa akusado sa Maguindanao massacre.

Nilinaw ni Pangulong Aquino na kahit na umaktong testigo si Zaldy Ampatuan sa nasabing kaso ay malabong magkaroon ng pagbasura ng kaso laban sa kanya.

“Kasi pag sinabi mo na state witness automatic na may dropping of charges, the immunity from suit etc. his offer does not contain any of that. he wants to impart I understand I never talked to him. He wants to impart all of this evidence. Huwag lang siya bigyan ng undue interest,” anito.


About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply