Pagkalinga sa mahihirap delikado sa pribatisasyon

MAY nagsusulong ng pribatisasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

Ayon sa pro-privatization, mawawala yang mga anomalya sa intelligence fund at iba pang korapsyon na naging tukso na ‘di malayu-ayuan ng mga corrupt.

Hayaan ang mga pribadong negosyante na mamroblema rito at tanging ang pagkakaabalahan ng gobyerno ay ang paniningil ng buwis sa pasugal na papasukin ng PCSO.

Magandang pakinggan ang katwirang yan.

Pero may nakikita tayong mga senaryo, mga Bro.

KORAPSYON LALO LAMANG TITINDI

Siyempre, bago maipasa sa kamay ng mga pribadong negosyante ang PCSO, pag-aawayan ng mga nasa Kongreso at Palasyo ang prangkisa nito.

Diyan magmamantika nang husto ang nguso ng mga pro at con sa pagbibigay ng prangkisa.

Before you know it, bilyon-bilyong piso na pala ang halaga ng mantika na yan at kailangang bawiin ng mga negosyante ang kanilang ipinamimigay na tongpats sa usaping ito.

CHARITY MAWAWALA

Sa palagay n’yo ba, eh, higit na mahalaga ang mga maysakit at iba pang mahihirap kaysa tubo ng mga negosyante?

Hindi uso, mga Bro, ang sinasabing “corporate responsibility” sa mga ganid na negosyante.

At hindi lalong uso ang charity sa mga ito.

Kita n’yo naman ang nagaganap sa mga isinapribado na kuryente, tubig, highway at iba pa.

Walang charity-charity riyan.

Ang resulta niyan ay i-convert ang buwis ng pribadong PCSO para sa charity.

Pero hindi kaya maitutulad ito sa Road User’s Tax na kinokorap lang ng mga tarantado sa gobyerno?

Kaya ang daming nadidisgrasya sa mga kalsada sa kakulangan o kawalang traffic signs at mantinansiya ng mga kalsada at tulay.

Kapag kinorap naman ang pondo ng PCSO sa kaban ng bayan, lalong darami ang mamamatay sa sakit sa kawalan ng pondo.

PAGSASARA NG PCSO

Eh kung nabuwisit ang pribadong negosyante sa mga mahihilig sa tongpats at nagsara, di biglang bagsak ang PCSO.

Saang punerarya dadalhin ang mga mawawalan ng ayuda na maysakit?

PCSO i-privatize????

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply