Pagkamatay ng propesor sa isang motel palaisipan

MISTERYO pa rin para sa mga awtorodad ang pagkamatay ng isang university professor na natagpuan sa loob ng isang lodging house kahapon sa bayan ng Catarman sa Samar, ayon sa ulat ng pulisya Sabado.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, bangkay na nang makita ang ang 59-anyos na professor ng University of Eastern Philippines (UEP) na kinilalang si Antonio Ejercito, biyudo.

Pinagtaka ng mga roomboy ng lodging house sa hindi paglabas ni Ejercito sa kanyang kuwarto at nang magpasya ang mga ito na silipin ay tumambad sa kanila ang wala ng buhay na guro sa kanyang kama.

Sa report ni P/Insp. Manuel Castillo ng Catarman police, wala silang nakitang palatandaan o sugat sa katawan na maaaring magsabi ng dahilan ng pagkamatay nito.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na posible umanong binangungot ang biktima dahil walang nakitang sugat o dugo sa labi nito.

Inutos na ni Castillo na isailalim sa post mortem examination ang bangkay ng biktima upang malaman ang dahilan ng pagkamatay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply